Safe and sound.

Archive/Ask/Personal/Rants/Love/Theme

I'm Kaye. Yez. But you can call me, Izette. Anlayo no? Bahala ka na kung babasahin mo o hindi.  

<a href="http://www.youtube.com/watch?v=__4taYc0-JY?hl=en&autoplay=1"><img src="http://www.gtaero.net/ytmusic/play.png" alt="Play" style="border:0px;" /></a>

Posts tagged rantsthoughts.

URL.

Napapansin ko ngayong sa mga urls eh puro tagalog. Like ‘angcuteko’ Kung meron man ganyang url, pasensya. But, hindi na sya unique. At dahil nauso, madaming nakiuso. Ang iba naman pangalan nila mismo. Kunware ako ‘lizettekaye’ Depende naman sa trip yan eh, pero mas maganda padin kung unique. :)

Hindi lang naman ang magshota ang pwedeng magdate sa Valentine’s e. So wag bitter.

Suggestions na idate niyo:

  • Family - unang una yan na nandyan para sa’yo. :)
  • Friends - Haha, gora mga single na kaibigan.
  • Pet - E ano naman, alaga mo naman e. :D
  • Cousins - Kung mas close ka sakanila keysa sa friends mo, yan nalang idate mo, e minsan lang naman diba lalo na kapag malayo sila. :)

Ayan lang naman naiisip ko.

Wala namang taong tanga.

Nauso lang ang salitang tanga dahil sa mga paasa at may mga umaasa.

Sabi ng teacher ko about sa laban. Well, di ko pa napapanood ang laban pero papanoorin ko sya ngayon sa GMA. :)

Sabi ng teacher ko about sa laban. Well, di ko pa napapanood ang laban pero papanoorin ko sya ngayon sa GMA. :)

Mahirap pala talaga magpigil ng nararamdaman.

  • Galit - Isa to sa mahirap pigilin lalo na’t malapit ka ng sumabog sa sobrang inis o galit. Bakit ba ‘to pinipigil? Dahil siguro ayaw mo magalit sa’yo ang mga kaibigan mo. Dahil baka may mangaway sa’yo. Dahil baka ikaw ang matalo. Maraming dahilan at iba-iba ito. Minsan din kase ay baka anong magawa mo sa taong may galit ka kaya’t nagpipigil ka at ayaw mong may masaktan. Mas maganda siguro yung makipagusap ka ng kalmado at parang wala kang galit pero mas nakakagalit kung paparinggan ka pa nila.
  • Pag-ibig - Basta nalang itong nararamdaman, ika nila, pag narinig mo ang lakas ng tibok ng puso mo na nangyayari lang dahil sa isang tao, inlove ka na. Mahirap din naman kase umasa sa pag-ibig na di mo alam kung may inaasahan ka talaga o ikaw talaga yung kusang nagpakatanga at umasa.
  • Iyak - Yung halos nagtutubig na yung mata mo pero pinipigilan mo padin ito dahil ayaw mong may makakitang iba na umiiyak ka, lalo na yung mga taong may galit sayo dahil maiisip nila na isa kang mahinang tao. Na kaya ka nilang talunin dahil sa simpleng bagay ay umiiyak ka. Ngunit may pag-iyak na dulot ng saya. Yung halos di mo na masabi kung gano ka kasaya kaya iyak nalang ang ginawa mo.

'Yung feeling na bumili ka ng napkin at TRANSPARENT yung plastic na pinaglagyan nito.

Paasa

Define the word ‘Paasa’

Sa buhay, hindi mo naman agad dapat sabihan ang isang tao na paasa dahil lang sa hindi nya pinapansin ang taong umaasa sa kanya. Hindi nila kapwa kasalanan iyon dahil unang-una, sino ba ang nagsabi na umasa yung taong yun samantalang hindi sya mahal ng taong inaasahan nya?

Ang taong paasa ay yung nagbibigay motibo na may gusto sya sa taong yun, or sadyang sweet lang sya kaya umaasa yung tao sakanya ngunit irereject nya naman ito.

Isa pang mga paasa ay yung mga nangangako. Halos makalimutan na nila yung pangako nila dahil akala nila ay nakalimutan mo na din yun.